Pang “World Class” talaga ang mga Pilipino. XB GENSAN CONGRATS!

The New Pride of General Santos City: Ang XB Gensan!

Kanina, pinagtiyagaan kong panuorin (kahit sa TV lang) ang Grand Finals ng Showtime. Ang intense ng laban. Wala akong masabi. Proud akong magsasabi na pang-ibang level na talaga ang talentong pinapakita ng mga Pilipino sa buong mundo. Ang taas ng energy at talagang pasiklaban sila!

Pero ang nanalo — XB GENSAN!!!

Proud ako dyan, kasi ang ganda ng kwentong nakapalibot sa second chance WILD CARD performance nila. Sa Pagkakaalam ko kasi, nakasali pa sila sa Monthly Finals dati. Ang nakalaban ata nila ay ung Philippine Islands Assassins. Ung PIA ang nakapasok sa grand finals. Months later, nagpaWild Card run ang Showtime at nung Monday ata or Tuesday, di ako sure, at una kong napanuod doon ang XB GENSAN. Nanalo sila. Kahapon, NagWild Card Finals. Alam nyo bang napaluha ako sa sobrang ganda ng performance nila. GEN-GEN-SAN-SAN. PALOW MAY KUMAND! Kaliwa kanan kaliwa!!! At yung nga, nakapasok sa Grand Finals.

Kanina lang, sila ang hinirang na PANALO! Grand Champion. 1 million din un a, hindi birong amount ng pera un!

Wala naman ako masabi masyado except GO GENERAL SANTOS! Ngayon, hindi nalang si Manny Pacquiao ang pwedeng ipagmalaki ng Siyudad na ito. Pati ang XB GENSAN panalong panalong panalo na!