Lately, I’ve been thinking, “Should I write a story about these three people?” I have an interesting story to tell, actually, because it’s based on a certain story of someone I know very well. And yeah, I think it’s really nice!
Short summary: [Which has been going on through my head…]
Elah had two best friends named Karlo and Rick. Karlo is the conservative, high-maintenance Executive VP of a company developing condo units in Makati. Rick, on the other hand, is the low-profile, super-sensitive and very timid owner of a Star Bucks franchise also in Makati. Originally, it was Karlo and Rick who were best friends. Yes, best friends who loved each other like no other couple did in their lifetime! Not until Elah comes into their lives. Elah, the overly obsessive-compulsive cleanliness maniac who enjoys drawing, painting and shopping, comes one night to their condo unit and decides to stay there. The two guys willingly took her in. But after a few months, after seeing how much Elah cared for both of them, tending to their every need at home as much as possible, they face a terrible challenge in their social being: They fall for her at the same time, even if they knew they’re not supposed to. How would they face it? Who would suffer in the end? Or would anybody suffer? ^^
Well, I have all the details of this story in my mind. I even have a Clamp-like anime drawing of the three of them. It’s an interesting MMK-ish type of story.
I’ll spoil a little bit of it: Elah would meet an accident after convincing Karlo that Rick really does care for him, and that he’d do anything for Karlo. Before going to Karlo’s house, Elah had a small talk with the then drunk Rick. And surprisingly, Rick, after having said that Karlo is by far the most important person in his life, also told Elah that she, too, is absolutely the most important woman in his life, and that he wouldn’t know what to do with his life without her by his side. For the first time in his life, he said “I love you” to a girl.
Umiiyak si Rick na nagsabing “I don’t know kung ano ang gagawin ko”
“sige I’ll go to his office to talk to him nalang,” sagot ko. Ngunit habang inihahanda ko na ang aking sarili palabas ng condo, bigla niya akong hinila.
“no, wait! Wag mo muna ako iwan. May sasabihin pa ako.”
Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung anong susunod kong maririnig mula kay Rick. “ano yun?” tanong ko. Umupo muli kami at habang hinihintay ko na magsalita siya, hinawakan niya ang aking kamay. Ramdam ko ang takot at kaba mula sa pasmadong mga kamay niya.
“Elah, I-I…”
Bumibilis ang tibok ng aking puso. “ano? Bilisan mo naman.”
“I love you, Elah.”
Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Matapos sabihin ni Rick na mahal niya si Karlo, hindi ko inaasahang ako rin ay sasabihan niya ng I love you…
Surprisingly, the exact same thing happened at Karlo’s office.
Tulala parin ako pagkatapos marinig ang mga salitang iyon galing kay Rick. Hindi ko maintindihan kung bakit biglang ganito ang nararamdaman ko gayong alam ko naman na hindi kailanman magiging maganda ang relasyong ganoon. Maaari nga bang umibig ang isang bisekswal sa isang tulad ko? Mali, mali ata ito!
Lumabas mula sa kanyang banyo si Karlo na kagaya ng dati, malinis tingnan, at suot parin niya ang necktie na ibinigay ko noong birthday niya. All in all, okay naman ang disposisyon niya ng araw na iyon.
“kumain ka na ba?” tanong ni Karlo habang kumukuha ng bake macaroni mula sa mini-ref niya sa loob ng opisina.
“Oo, galing kasi ako kina Ricardo.”
Halata ang pagkagulat sa mga mata ni Karlo. Hindi niya rin siguro inaasahan na sa condo ni Rick ako manggagaling.
“Ano naman ang ginawa mo doon, aber?”
“Wala,” sabi ko. “Nakipag-usap lang ako. Sabi nga niya mahal ka daw niya e.”
Walang imik si Karlo.
“Hello? Narinig mo ba ako?”
“Oo. Pero hindi ako naniniwala.”
Nais kong sabihin kay Karlo kung ano pa ang nasabi ni Rick sa akin. Ngunit iniisip ko na baka lalo lang mag-init ang ulo ni Karlo.
“May sinabi pa ba siya?”
“Ha? Ah eh, oo!”
“Ano pa?” nararamdaman kong interisado rin si Karlo sa sinabi ni Rick.
“Sabi niya mahal niya rin daw ako.”
At tumahimik ang lahat. Nakatitig si Karlo sa akin habang nakatayo sa may tabi ng kanyang ref.
“Ano? Mahal ka niya?”
“Oo daw. Pero kasi ang turing ko kay Rick, o sa inyong dalawa, kapatid lamang. Yung sobrang malapit na mga kuya. Ganoon lang naman e. Kaya hindi ko na inisip masyado ang sinabi niya.”
“Pano ba niya sinabi? “Mahal kita” o “Mahal na mahal kita” o ano ba?
“I love you daw”
“I love you?” pasigaw na sabi ni Karlo.
Agad kong hinawakan ang kanyang kamay ngunit pilit na lumipat ng puwesto si Karlo malayo sa akin.
“Ano ka ba naman, K? Wag ka naman magselos o. Hindi ko naman sineryoso ang sinabi niya e.”
“Hindi mo sineryoso? Bakit? Eh papaano kung si Ricardo mismo, seryoso siya sa sinabi niya? Na mahal niya tayo pareho? Papaano kung gawin niya rin ang lahat para sa iyo katulad ng ginagawa niya sa akin? Hindi mo parin iyon seseryosohin?”
“Hindi ko naman kasi kailangang seryosohin kasi hindi naman mukhang seryoso!”
“Eh paano kung ako magsabi nun sa iyo? Hindi mo parin seseryosohin?”
Napatitig ako sa kanya nang tinanong niya ako. Lumapit siya sa sofa na kinauupuan ko at hinawakan niya rin ang aking mga kamay na ngayo’y nanginginig na sa sobrang kalituhan. Hindi ko nga rin siya matingnan nang diretso e.
“Elah, alam kong hindi mo maiintindihan pero mahal na mahal rin kita, kagaya ng pagmamahal na ibinibigay ko kay Rick. Alam kong mahirap tanggapin o maunawaan pero iyon ang nararamdaman ko. Siguro tama ka nang sabihin mo na hindi kami lubusang iba sa ibang mga lalaki, dahil may puso man kaming babae, lalaki parin kami. Bi nga, kung sabihin mo. Pero sana maintindihan mo kahit paano na iyon ang nararamdaman ko. Kaya nga lubusan din ang inis ko nang marinig ko mula sa iyo na sinabi rin ni Rick ang mga salitang iyon. Sabi mo pa, hindi mo seseryosohin. Paano naman kami, Elah? Paano ako?”
“Karlo…” at inakap niya ako nang mahigpit.
Lumuluha akong umalis ng opisina ni Karlo. Nagmamadali akong lisanin ang lugar na iyon upang maiwasang habulin niya. Ayoko sanang umalis, ngunit ayoko ring paniwalaan ang kanilang mga sinabi. Hindi ko kayang tanggapin iyon. Masakit para sa akin ang kanilang sinabi dahil ang alam ko, silang dalawa ang nagmamahalan.
Unti unting bumibilis ang pagtakbo ng aking sasakyan. Hindi ko na nga mapigilan ang pagbilis e. Siguro magandang may mangyari na sa akin kaysa umuwi pa ako sa bahay nang alam kong hinihintay ako ni Rick.
Maya maya pa ay may tumama sa gilid ng aking sasakyan. At hindi ko na alam ang susunod na nangyari…
[So far, that’s the climax of the story. I don’t know how I’ll start it, though. I’m planning to write soon! :P]